3.2.12

Mudang. The Melodramatic birthday. Blow na your candle.

Unang-una, gusto kitang i-greet ng happy happy birthday. Gusto kong sabihin na sobrang masaya ako na ikaw ang mudang ko. Alam ko namang marami akong bagay na hindi ginawa para sa'yo. Alam kong marami akong naging kasalanan and believe me, hanggang ngayon gusto ko siyang pagbayaran kaso walang time. charlot.

Gusto kong araw-arawin ka ng "i Love You's" kaso nako-kornihan ako. Minsan nga nauubusan na ako ng paraan how to ignore you. Ayoko kasi ng mga ka-kornihang pang Star Cinema, alam mo namang hindi ako ganoon. Pero all the same, gusto kong i-express yung pagmamahal ko sayo (shucks! Ang korni!) in a way na hindi nakakahiya pero hindi ko talaga alam kung paano.

Gusto ko rin mag-sorry. Alam ko naman na hindi ako yung ideal mong anak. Alam ko namang ayaw mo kong maging beki pero I don't mind. I don't mind din na pinandidirihan mo ako sa preference ko. Oks lang sa akin yun pero masakit minsan. Alam ko naman na masakit din sa'yo pero ewan ko ba, I feel violated lalo na nung sinabi mong pineperahan ko lang ang mga jowa ko..WHICH IS NOT TRUWUE!! Alam ko rin namang isa akong disappointment. Hindi lang sa'yo, pati na rin sa lahat ng mga kamag-anakan natin. Hindi ko man ma-keep up yung mga expectations niyo, ang ginawa ko na lang is lumayo ako. Lumayo ako for you to stop wondering why I am like this. Sorry if I have to leave you. Ayoko sana pero I've thought about it, at ito lang yung paraan para matigil na tayong lahat.

Sorry kung hindi ako ganoong katalinuhan. Sorry kung ang tamad ko sa lahat ng aspeto. Minsan nga tinatanong ko yung sarili ko kung gusto mo ba akong maging anak. Pero harsh kasi yun eh. Magagalit si papa Lord sa akin.

Uubusin ko ang thank you sa mundo para mapasalamatan ka. Thank you sa lahat ng mga itinuro mo sa akin. Thank you for being sarcastic. Thank you for nagging me. Thank you for trusting me to cook for you guys. Minsan nga gusto ko na kayong lasunin. charlot. Pero seriously, gusto kong mag-thank you sa lahat ng mga itinuro mo sa akin. After all these years, alam ko na kung para saan lahat ng iyon.

Nakakalungkot na we ended up like this. Yung sobrang f*cked up na situation. And again, I am really sorry for leaving you. You have no idea how much I am hurting right now. I'm not blaming you pero sometimes, I want to blame you for choosing him.

Siguro kung hindi mo pinili si pudang...siguro iba ang mga anak mo. Siguro maayos ang buhay mo at hindi ka nasi-stress sa mga anak mo. I really feel guilty na isa ako sa mga dahilan kung bakit ang dami mo nang mental disorders. charot. Pero seryoso, I feel sad na all your hard work went to nothing. At gusto kong bawiin lahat yun. Gusto kong baguhin lahat. If given the chance that I can turn back time, gagawin ko lahat ng makakapagpasaya sa'yo. If given the chance, siguro sinunod na lang kita. I am really sorry.

Ang dami ko pang gustong sabihin sa'yo pero huwag na lang siguro. Pasensiya na talaga if you have a really f*cked up kid like me.

7 Comments:

CHRISTIAN said...

i don't know what to say ;(

Jepoy said...

I feel sorry for your mom.

Tsarlots!

Ang ganda ng structure and consistency ng choice or words. Ang galing. Editor na Editor ang pagkakasulat, dapat sa New York Times ka mag work. Ganyan. Sinabi ko na bang ang ganda ng structure?

p0ks said...

naiintindihan ka ni Mudang mo..trust me...di lang nya pinapahalata!

quits na kayo..di nagpapahalataan sa nararamdaman,hihihi!!

cheer up Caloy!!

aboutambot said...

pwede i-copy-paste at ibigay sa nanay ko? hehehe. i like.

jhengpot said...

sana nababasa niya toh. Eto o ganito rin kasi yung mga gusto kong sabihin ngayon sa mudang ko (natuwa ako kasi ganyan din tawag ko sakanya), pero kasi di ko na masasabi ng harapan. Pabulong na lang sa hangin hanggang makarating sa langit :)

glentot said...

Iprint mo na lang itong post na ito at iabot sa kanya sabay kulong sa kwarto at talukbong ng kumot habang binabasa nya LOLx.

cArLo said...

awwwwww! cheer up caloy!
anong pinagsasasabi mong all her hardwork went to nothing? anong fucked up kid? sampalin kita dyan. chos! haha joke lang :)
you're a good person from what i see, and i think that's something.
we can't be everything that our mothers would like us to be.
pero one thing i've learned: our mothers nag us and wants what's "best" for us because they love us. unless kung yung nanay mo e yung tulad ng mga contrabida sa TV na pag walang supervision e pinagsasasampal nalang lahat ng matripan. haha chos lang.
in my case, my mom didn't want me to be gay because masasaktan daw ako and lalaitin. i guess iniisip nya na baklang parlorista ang image ko paglaki (oi ha, di ako judgemental)kaya i get her. pero yeah na-hurt din ako when i found out na gusto din n'ya magkaanak.
sabi n'ya sa akin, mahal daw n'ya ako dahil anak n'ya ako. tanggap daw n'ya, pero up until now daw e she's still praying na magka-anak daw ako.
ouch lang. pero gets ko naman. only child ako e.
hay nako, ayoko mag-emo sa comment ko sa post mo. i don't wanna steal your thunder hha :) naka-relate lang kasi ako.
cheer up caloy, everything's gonna be alright din, it always does. :)
LOL sa comment ni glentot. gawin mo nga. haha chos :D